Hay Buhay nga naman!

Dalawang buwan na ko sa Call Center at halos isang buwan na ring kumukuha ng tawag ng mga customer, pero marami nang realization ang naglalaro ngayon sa isip ko. Sa  sobrang dami, di ko na alam kung saan uumpisahan ito.

Una, hindi pala madaling maging isang Call Center Agent lalo na ang maging Technical Support Representative! Sobrang nakakastress lalo na kung first timer ka at wala kang technical background. Kahit pa sabihing nagtraining ka at lahat, mahirap pa din. Parang minsan nga sasakit na lang ang ulo mo at bigla ka na lang magkakasakit. Job related? malamang yun na nga yon.

Pangalawa, hindi din madaling magadjust ng body clock, kahit pa nakatulog ka na ng sampung oras (minsan nga umaabot pa ng 11 eh) parang pagod na pagod ka pa rin at gusto mo pang magpahinga. Di ko alam kung kailan ako masasanay sa ganitong sistema ng schedule.

Pangatlo, ang pinakamahirap sa lahat ay mag assist ng irate na customer. Merong dalawang klase yan: yung isa sa onset pa lang ng call irate na, sinasabi nia na my issue siya pero ayaw naman niya makipagcooperate sa’yo para maresolve yun. At ang sumunod dito e yung mga tao na makitid ang utak! yun bang porke Pilipino ka e ayaw ka nilang kausapin! Sobrang nakakairita talaga!

Ang totoo niyan, di ko talaga alam kung matatagalan ko yung ganitong trabaho, sa iba okay siguro sa kanila dahil at home yung feeling nila sa ganitong career, pero ako, parang maaga akong nabeburnt out! Sobrang tumaas ung blood pressure ko ever since nagstart akong magwork at bumalik nanaman yung pagsakit sakit ng ulo ko na tumatagal ng isang linggo!

Maliban pa sa mga bagay na yan, ang isa pang nagpapahirap sa kin e yung pagabot sa stats! Aminado naman ako na nahihirapan ako sa metrics! Sobrang di ko na rin naiintindihan yung mga ginagawa ko e.

Hay naku! buhay nga naman! Tama! Kailangan ko nga ng trabaho pero sa palagay ko… hindi yung ganito! :(

Respond to this post