Ito ang eksena sa bahay namin last week. Agah, my younger sister came rushing in our door early in the morning. Parang super badtrip siya sa hindi ko malamang dahilan that time.
Agah: Ate, nanood ka ba kagabi sa channel ___?
Ana: Hindi, bakit? (Why is she asking me? Eh alam naman niya na di ako mahilig manuod ng tv?)
Agah: Kasi kagabi featured story dun sa program ni AC yung bakla na nagbibintang kay ES na nirape daw siya?
Ana: Ah si DV alias “P”. Oh ano naman daw?
Agah: ayon kung anu-anu ung mga kasinungalingan pinagsasabi! Ang kapal ng mukha! Grabeh!
Well ang totoo, di ko talaga alam na may ganung ipifeature sa program na yun di na kasi ako mahilig manuod ng tv, puro online streaming lang ako. Hindi na rin naman ako nagtataka, di na rin ako nagulat nung binalita yun sa kin ng kapatid ko, di naman na kasi bago ang ganyang mga balita eh. Buti na rin lang na hindi ako nakapanuod nun! Kung nagkataon e na high blood na ko!
Ipinagpauna na yan, talagang mangyayari ang ganyan. Kaya ang pag-asa ko na lang, may paghuhukom naman. Pag dating ng araw na ‘yon, malalaman ng lahat kung sino ang nagsasabi ng totoo at matatapos din ang mga paghihirap natin sa kamay ng mga taong yan na “ipinanganak na talagang mga hayop.” Maraming tao naman ang hindi naniniwala sa mga pinagsasabi nila, maliwanag pa sa sikat ng araw na ito ay isa nanamang demolition job para sirain ang isang taong wala namang ibang ginawa kundi isipin ang kapakanan ng kapwa niya.
Alam naman ng marami ang adhikain niya kaya sana suportahan na lang natin siya P-O-W-E-R !!! Wag na nating pansinin ang mga paninira ng mga tao sa tabi-tabi! Para mas marami pa siyang maabot di lang sa ating mga kababayan kundi pati sa mga kapwa tao natin sa ibang panig ng daigdig.